Mga Modernong Bayani ng Pilipinas

Sa panahon natin ngayon, simple lang angibig sabihin ng bayani: Ang makatulong sa kapwa. Ngunit parang napakababaw naman nito para sa salitang bayani. Ano ba talaga ang isang bayani? Oo, sila ay ang mga taong nakakatulong sa kapwa. subalit kung ito lamang ang ating magiging depinisyon ng bayani, para saan pang may itinuturing tayong bayani kung lahat naman tayo ay maaaring maging isa sa mga ito? Ang bayani ay ang mga kababayan nating tumutulong sa kapwa para sa kapakanan ng ating Inang Bayan, para sa ikauunlad ng lahat at para makamit natin ang tunay na kalayaan.

Sa ating makabagong panahon, may Andres Bonifacio pa ba o Lapu lapu? O tayo’y mayroon nang sariling bersyon ngunit may magkatulad na layunin ng ating mga sinaunang bayani?

Bagong Bayani: OFW

Disclaimer: Image found at http://www.bayanmall.org/blog/wp-content/uploads/2015/09/OFW-Remit.jpg

Ang mga OFW o Overseas Filipino Workers ay bagong bayani. Nagtratrabaho sila sa ibang bansa para lang masuportahan ang kanilang pamilya. Tinitiis nila ang mga bagong kondisyon at lugar para magkaroon ng pera ang kanilang pamilya at para mabuhay. Minsan lang sila nakakauwi pero sa totoo lang palagi silang nandoon sa tabi ng kanilang mga pamilya kahit malayo sila sa piling ng isa’t isa.

Bagong Bayani: Sundalo

Disclaimer: Image found at https://rhk111smilitaryandarmspage.wordpress.com/2015/07/19/the-saga-of-the-philippine-army-body-armor-procurement/

Mga sundalo, sila ang mga protektor ng bayan, sila ang mga tao na kakaiba sa ating mga iniisip. Sila ay may mas mabigat na tungkulin na ginaganapan sa ating lipunan kumpara sa mga normal na trabahador lamang. Handa nilang itaya ang kanilang buhay para sa bayan. Sila ay matatapang at magigiting hindi madaling matinag ng kahit anumang bagay. Sila ang mga unang lalaban para sa kalayaan ng bansa kaya dapat natin pangalagaan ang ating mga sundalo sapagkat hindi sila nagpapakapagod sa kanilang pag-eensayo para lang magpasikat subalit, sila ay nagpapakahirap at nagsasakripisyo dahil sa kanilang napakabigat na tungkulin na protektahan ang bayan.

Bagong Bayani: Guro

Disclaimer: Image found at https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10153881636589496&set=a.434280149495.213207.620114495&type=3&source=11

Ang mga guro ay isang bayani sapagkat isinasakrpisyo nila ang kanilang oras upang matulungan at maturuan ang kanilang mga estudyante. Ang isa sa mga kilala kong isang bayaning guro ay si Ma’am Gala Maria Napone o si Ma’am Gail. Siya ay bayani dahil buong puso niyang tinuturuan ang kaniyang mga estudyante. Bayani siya sapagkat, marunong siyang umintindi ng isang estudyante at napakabait rin niya sa kaniyang mga estudyante. Ginagawa niya ito hindi dahil sa perang makukuha niya sa kaniyang sweldo dahil yn ang nais niya at dahil upang turuan ang kaniyang mga estudyante ng buong puso.

Ang mga OFW, sundalo at guro ang mga bagong bayani ng modernong Pilipinas. Hindi man nabibigyan ng atensyon ang kanilang mga naiambag para sa bayan, alam ng bawat isang mamamayan ng Pilipinas na sila ay may malaking naitulong sa ating lahat.

Leave a comment